Pagpapahalaga
"Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Paghubog ng Kabataang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa."
Ito ang tema para sa taong 2019. Nakapokus ito sa pinakamaliit na yunit ng lipunan, ang pamilya, na siyang maghuhubog ng isang batang nagtataglay sa apat na Core Values.
Sa panahon ngayon, unti-unti nang nalilimutan ng mga kabataan ang mga pagpapahalagang Pilipino nang dahil sa makabagong teknolohiya at modernong pamumuhay. Kung kaya't iyon ang naging tema ng taon-taong Filipino Values Month Celebration ngayong 2019. Iba't ibang paligsahan ang nakahanda para sa mga estudyante upang maihayag ang kani-kanilang kaisipan at nararamdaman ukol sa tema.
Sa loob talaga dapat ng pamilya nagsimulang hubugin ang mga kabataan sa pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa. Sa pamamagitan ng iba pang kasapi ng lipunan ang paraan kung saan siya'y mas mahuhubog ang sarili habang lumalaki.
Mga magulang ang unang guro, ating gabay simula nang tayo'y maipanganak sa mundong ibabaw. Nararapat lamang na tayo'y pagtuunan ng pansin habang maaga pa upang hindi mawalay sa tamang landas at taglayin ang apat na Core Values.
Ikanga ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya't napaka-angkop ng tema ngayong taon sapagkat napapanahon din ito.
Reference:
Image retrieved from:https://www.eaglenews.ph/filipino-values-month/
Comments
Post a Comment